|
||||||||
|
||
Ipinahayag ng Tsina kahapon ang pagtanggap nito sa mga bansang dayuhan sa larangan ng pagtutulungang pangkalawakan.
Winika ito ni Li Benzheng, Pangalawang Commander-in-Chief ng lunar program ng Tsina sa isang preskon ng State Administration of Science, Technology and Industry for National Defense (SASTIND) kaugnay ng napipintong paglulunsad, papunta sa Buwan ng Chang'e-3 lunar probe sa darating na Disyembre.
Ipinagdiinan ni Li na bukas ang lunar program ng Tsina sa mga pagtutulungang banyaga. Aniya pa, ang mapayapang paggamit ng kalawakan ay hangarin at layunin ng lahat ng mga bansa sa daigdig at umaasa ang Tsina na makapag-aambag para sa pag-unlad ng sangkatauhan sa pamamagitan ng mapayapang paggagalugad at paggamit ng kalawakan.
Nakatakdang paimbulugin ng Tsina ang Chang'e-3 lunar probe papunta sa Buwan sa unang dako ng darating na Disyembre. Sa pamamagitan ng misyong ito, sa kauna-unahang pagkakataon, mag-so-soft-land ang isang sasakyang pangkalawakan ng Tsina sa ibabaw ng isang extraterrestrial body.
Ang misyon ng Chang'e-3 ay kinabibilangan ng pag-orbit, paglapag sa Buwan at pagbalik sa planetang mundo. Ito aniya ang ikalawang yugto ng lunar program ng Tsina. Ang unang yugto ng programa ay matagumpay na naisinagawa sa pamamagitan ng mga misyon ng Chang'e-1 at Chang'e-2 noong 2007 at 2010, ayon sa pagkakasunod.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |