"Palaging pinapairal ng Tsina ang mapagkaibigang patakaran sa Myanmar at hindi ito mababago ng Tsina." Ito ang ipinahayag kahapon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina bilang tugon sa matiwasay na pagdaraos ng pambansang halalan ng Myanmar at pagwawagi ng National League for Democracy(NLD).
Sinabi ni Hua na bilang mapagkaibigang kapitbansa ng Myanmar, umaasa ang Tsina na mananatiling matatag ang kalagayan ng bansa at uunlad ang pambansang kabuhayan. Aniya, ipagpapatuloy ng Tsina ang pagpapatibay ng tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang panig at pagpapalalim ng kanilang pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan. Samantala, bibigyan aniya ng Tsina ng tulong ang Myanmar para maisakatuparan ang katatagan at kaunlaran ng bansa at pabutihin ang pamumuhay ng mga mamamayan nito.