Nag-usap noong Miyerkules sa Pretoria, South Africa, sina dumadalaw na Pangulong Xi Jinping ng Tsina, at Pangulong Jacob Zuma ng South Africa.
Kapwa binigyan nila ng mataas na pagtasa ang kasalukuyang kalagayan ng relasyon at kooperasyon ng Tsina at South Africa. Sumang-ayon silang patuloy na ipatupad ang estratehikong plano sa kooperasyon ng dalawang bansa sa darating na 5 hanggang 10 taon. Ito ay para palawakin ang kooperasyon sa iba't ibang larangan, at pataasin sa bagong antas ang relasyon ng dalawang bansa.
Kaugnay naman ng gagawing Summit sa Forum on China-Africa Cooperation na idaraos sa Johannesburg, South Africa, kapwa ipinahayag ng dalawang pangulo na ito ay isang mahalagang pangyayari para sa Tsina at Aprika. Anila, mapapalalim nito ang relasyon at kooperasyon ng dalawang panig.
Salin: Liu Kai