Idinaos noong Martes sa Johannesburg, South Africa, ang roundtable meeting hinggil sa relasyong Sino-Aprikano. Kalahok dito ang mahigit 100 kinatawan mula sa iba't ibang sirkulo ng Tsina at mga bansang Aprikano.
Sa kanyang talumpati sa pulong, sinabi ni Pangalawang Ministrong Panlabas Zhang Ming ng Tsina, na ang gagawing Summit ng Forum on China-Africa Cooperation ay mahalaga para sa komprehensibong pag-unlad ng kooperasyong Sino-Aprikano. Dagdag niya, ang pagdalo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa summit na ito ay nagpapakita ng pagpapahalaga ng pamahalaang Tsino sa relasyong Sino-Aprikano.
Nagpahayag naman ng pag-asa si Pangalawang Ministrong Panlabas Nomaindiya Mfeketo ng South Africa, na sa pamamagitan ng summit na ito, mapapataas sa bagong antas ang relasyon at kooperasyon ng Tsina at Aprika. Aniya, mahalaga ang Tsina para sa pag-unlad ng Aprika, at inaasahan ng Aprika ang mas maraming pagkakataon sa Tsina.
Salin: Liu Kai