Nag-usap kahapon sa Harare, kabisera ng Zimbabwe sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Robert Mugabe ng Zimbabwe. Positibo ang dalawang lider sa tradisyonal na pagkakaibigan at pagpapalalim ng pragmatikong pagtutulungan ng dalawang bansa.
Binigyang diin ni Pangulong Xi na suportado ng Tsina ang pagpapahigpit ng pakikipagtulungan sa Zimbabwe sa edukasyon, kultura, kalusugan, turismo, kabataan, media.
Ipinahayag din ng Pangulong Tsino ang pag-aasang tatalakayin ang planong pangkaunlaran ng Tsina at Aprika, sa gagawing Summit ng China-Africa Cooperation Forum sa Johannesburg, Timog Aprika para maisakatuparan ang mas mainam na pagtutulungang Sino-Aprikano sa hinaharap. Ipinahayag naman ni Mugabe ang pasasalamat sa tulong na ibinibigay ng Tsina sa Zimbabwe at ibang mga bansang Aprikano. Nakahanda aniya ang Zimbabwe na mapahigpit ang pakikipagtulungan sa Tsina sa ibat-ibang larangang kinabibilangan ng agrikultura, industriya, imprastruktura, at iba pa.