Belgium—Pagkaraan ng 14 na round ng talastasan, nalagdaan nitong Martes, Disyembre 2, 2015, ng Vietnam at European Union (EU) ang Free Trade Agreement (FTA). Inaasahang magkakabisa ang nasabing FTA sa unang dako ng 2018.
Sa kasalukuyan, ang EU ay ikalawang pinakamalaking trade partner ng Vietnam at isa rin itong pangunahing pamilihan ng mga iniluluwas na produkto ng Vietnam. Noong 2014, umabot sa 36.8 bilyong dolyares ang halaga ng bilateral na kalakalan ng dalawang panig.
Bukod dito, malaki rin ang pagkokomplimento ng mga kalakal ng dalawang panig. Ang nasabing FTA ay magpapaginhawa ng pagluluwas ng sapatos, textile, troso, at mga produktong agrikultural ng Vietnam sa EU. Padadaliin din nito ang pagluluwas ng EU ng makinarya, auto at iba pa sa Vietnam.
Photo Credit: www.caexpo.com
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Rhio