|
||||||||
|
||
Ang pangunahing 10 paksa ay may kinalaman sa industriyalisasyon, impraestruktura, green development, modernisasyon ng agrikultura, serbisyong medikal, pagpapahupa ng kahirapan at pagpapasulong ng public welfare, trade at investment facilitation, people-to-people exchanges, at seguridad.
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng nasabing Summit, sinabi ni Pangulong Xi na maglulunsad ang Tsina ng 10 katugong proyekto para mapasulong ang pagtutulungang Sino-Aprikano sa susunod na tatlong taon, sa nasabing mga larangang.
Ipinagdiinan din ni Xi na bilang miyembro ng komunidad na may ibinabahaging tadhana (community of shared destiny), ang mga mamamayang Tsino at Aprikano ay may parehong karanasang pangkasaysayan, at kailangan din silang magkakasamang makalikha ng magandang kinabukasan ng komong kaunlaran.
Nauna rito, lumahok si Pangulong Xi at ang kanyang kabiyak na si Peng Liyuan sa bangketeng panalubong ng FOCAC.
Sina Pangulong Xi at Gng. Peng habang lumalahok sa bangketeng panalubong ng FOCAC. (Photo credit: Xinhua)
Ang FOCAC na itinatag noong 2000 ay may 52 miyembro na kinabibilangang Tsina, 50 bansang Aprikano at AU. Idinaraos ang Pulong na Ministeryal ng FOCAC bawat tatlong taon. Ang unang FOCAC summit ay idinaos sa Tsina.
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |