Bumisita kahapon si Pangulong Xi at asawa niyang si Peng Liyuan sa "Wild Is Life" wildlife sanctuary ng Zimbabwe kung saan nakalagak ang mga nasugatang, iniligtas, ulilang hayop. Pinanood nila ang mga elephant, lion, pangolin, giraffe at iba pang hayop: nagbigay rin sila ng mga prutas at dahon sa mga elepante at giraffe.
Sa kabilang dako, nalaman ni Xi ang tunay na kalagayan ng buong sanctuary, at pamumuhay ng mga iniligtas na hayop. Sinabi niyang ang maiilap na hayop ay di-puwedeng-mawalang bahagi ng ecosystem, at mahigpit ang kaugnayan nila sa sustenableng pag-unlad ng sangkatuhan.
Ipinahayag pa ni Xi na mataimtim na isinasakatuparan ng Tsina ang mga pananagutang pandaigdig, at sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong materyal at salapi, pagpapalitan ng karanasan at iba pang paraan, patuloy na pinapalakas ng Tsina ang tulong sa pangangalaga sa maiilap na hayop.
Aniya pa, mataas na pinahahalagahan ng Tsina ang pangangalaga sa mga maiilap na hayop at natamo ang ilang progreso sa aspektong tulad ng pagtatatag ng reservation area at pagpaparami ng mga ito. Pinarusahan din aniya ng Tsina ang mga illegal na negosyong may kinalaman sa maiilap na hayop.