Malapit nang sumapit ang Pasko! Sa iba't ibang sulok ng mundo, kitang-kita na, at ramdam na ramdam na ang diwa ng Kapaskuhan. Ngayong araw, ipapakita at ipaparamdam namin sa inyo ang Christmas atmosphere sa iba't ibang bansa sa buong mundo.
Ika-2 ng Disyembre, 2015, Wales, Britanya—Nagsimula ang Christmas truck ng Coca-Cola. Mamimigay ito ng mga libreng Coca-Cola sa mga mamamayan ng Wales.
Noong 1995, lumabas sa publiko ang pulang Coca-cola truck, at mabilis itong naging popular sa mahigit 100 bansa sa buong mundo. Ngayon, ang Christmas truck ng Coca-Cola ay isa nang tampok sa pagdiriwang ng Pasko sa iba't ibang lugar sa daigdig.
Leeds, Britanya—Masiglang masigla ang taunang Christmas Fair. Kapag pinagmasdan ang makukulay na Christmas decor sa pamilihan, para kang dinadala sa fairytale world.
1 2 3