Ipinahayag kahapon ni Lian Guangcheng, Presidente ng Chinese Hong Kong Xiangrong Group Co. Ltd, na ang pagsapi ng Hong Kong sa China-ASEAN Free Trade Area (CAFTA) ay makakapagpasulong sa pag-unlad ng integrasyon ng pamumuhunang pangkabuhayan at pangkalakalan sa pagitan ng Chinese mainland, Hong Kong, at ASEAN, at kapaki-pakinabang ang kalagayang ito. Aniya, bilang sentro ng pinansiyang pandaigdig, mapapatingkad ng Hong Kong ang malaking bentahe at papel. Bilang isang mangangalakal na Taga-HongKong, kinakatigan at inaasahan niya ang pagtatapos ng may-kinalamang talastasan at pagkakaroon ng kasunduan sa lalong madaling panahon, dagdag pa niya.
Noong nagdaang Nobyembre, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na kinakatigan ng Pamahalaang Sentral ang pagpapasulong ng Hong Kong at ASEAN ng proseso ng talastasan tungkol sa malayang sonang pangkalakalan.
Sa kasalukuyan, ang ASEAN ay nagsisilbing ika-2 pinakamalaking trade partner ng Hong Kong at ika-5 pinakamalaking destinasyong pampamumuhunan sa ibang bansa.
Salin: Li Feng