Sa welcome banquet para sa mga kalahok sa Ika-14 na pulong ng mga Prime Minister ng Shanghai Cooperation Organization (SCO), ipinahayag noong Lunes, Disyembre 14, 2015, sa probinsyang Henan Tsina ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang pag-asang mapapasulong ang kooperasyong pandaigdig sa industriya.
Dumalo sa banquet ang mga Punong Ministro ng mga kasaping bansa ng SCO na gaya ng Rusya, Kazakhstan, Kyrgyzstan, Tajikistan, at Uzbekistan, at mga tagamasid na bansa na gaya ng Pakistan, Afghanistan at Mongolia.
Binuksan ang nasabing dalawang-araw na pulong noong ika-14 ng Disyembre, 2015. Ang pakikibaka laban sa terorismo at pagpapasulong ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ay dalawang pangunahing paksa ng nasabing pulong.
Ang SCO ay itinatag noong 2001. Hanggang ngayon, binubuo ito ng 6 na kasaping bansa---Tsina, Rusya, Kazakhstan, Tajikistan, Kyrgyzstan, Uzbekistan, at mga tagamasid na bansa--- Afghanistan, Indya, Iran, Mongolia at Pakistan, at mga dialogue partners--- Belarus, Turkey at Sri Lanka.
Ang lalawigang Henan ay mahalagang pinagmulan ng kabihasnan ng Nasyong Tsino, at mahalaga rin ito sa konstruksyong pang-modernisasyon, reporma at pagbubukas sa labas ng Tsina. Isinasagawa ng Henan ang mahigpit na pagpapalitan sa kabuhayan, kalakalan, at kultura sa mga kasapi at tagamasid na bansa ng SCO.
Bago ang welcome banquet, dumalaw si Premyer Li at kanyang mga counterpart ng SCO sa isang eksibisyon hinggil sa kooperasyon sa pagitan ng Henan at mga kasaping bansa ng SCO.