Sa Tashkent, kabisera ng Uzbekistan-Idinaos dito kahapon ang pangatlong kumperensiya ng Shanghai Cooperation Organization(SCO) hinggil sa pagtutulungan ng pagbibigay-dagok sa terorismo at ekstrimismo.
Tinalakay ng mga kalahok ang isyung may-kinalaman sa paglaban sa Islamic State(IS), teroristikong aksyon sa rehiyon ng SCO, at kalagayan sa Timog Asya at Gitnang Silangan. Narating din nila ang mga katugong dokumento.
Binigyang-diin ng pulong ang ibayo pang pagpapalalim ng kooperasyong panrehiyon, at pagpapahigpit ng pagtutulungan ng pakikibaka laban sa organisasyong teroristiko para pangalagaan ang seguridad at katatagan ng rehiyon.