Wuzhen, Lalawigang Zhejiang ng Tsina——Kinatagpo dito, Martes, Disyembre 15, 2015 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina si Punong Ministro Dmitry Medvedev ng Rusya.
Binigyan-diin ni Xi na sa kasalukuyan, ang kabuhayan ng Tsina at Rusya ay kapuwa nasa masusing panahon ng pagbabago ng paraan ng pagpapaunlad at pagsasaayos ng estruktura. Dapat aniyang makuha ang bagong pagkakataon sa bagong kalagayan, magawa ang kooperasyon para pagsamahin ang "Silk Road Economic Belt" na itinaguyod ng Tsina at Eurasian Economic Union(EEU) na itinaguyod ng Rusya. Umaasa aniya siyang ibayo pang palalawakin ang bagong kooperasyon ng dalawang bansa sa kabuhayan, kalakalan, agrikultura, konstruksyon ng imprastruktura, kultura at iba pang larangan.
Ipinahayag naman ni Medvedev ang kasiyahan sa mabuting pag-unlad ng komprehensibo't estratehikong partnership ng Rusya at Tsina. Aniya, positibo ang Rusya sa pagsasama ng EEU at "Silk Road Economic Belt", at nakahanda rin itong ibayo pang pahigpitin ang kooperasyon sa Tsina sa mga suliraning pandaigdig sa loob ng Shanghai Cooperation Organisation (SCO) at Asian Infrastructure Investment Bank.
salin:wle