Magkasamang pagbati ang ipinalabas kahapon sa video nina Pangalawang Premyer Zhang Gaoli ng Tsina at Punong Ministrong Dimitry Medvedev ng Rusya sa seremonya ng pagbubukas ng proyekto ng natural gas pipeline ng Tsina at Rusya.
Ayon sa ulat, bilang silangang bahagi ng nasabing proyekto, gagawin ito sa loob ng teritoryo ng Tsina.
Ipinahayag ni Zhang Gaoli na bilang pinakamalaking proyektong pangkooperasyon ng Tsina at Rusya, ito ay hindi lamang makakatulong sa estratehikong dibersipikasyon ng enerhiya at kaligtasang pang-enerhiya ng dalawang bansa, kundi magpapasulong din sa kaunlarang panlipunan at pangkabuhayan nito.
Ipinahayag naman ni Medvedev na bilang bunga ng estratehikong pagtutulungan ng Tsina at Rusya, ito ay makakatulong hindi lamang sa pagpapataas ng pamumuhay ng mga mamamayan, kundi rin sa pagpapasulong ng komong pag-unlad at kasaganaan ng dalawang bansa.