Nag-usap kamakailan sa telepono sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Dmitry Medvedev ng Rusya, at nagpalitan sila ng palagay hinggil sa iskedyul ng kanilang regular na pagtatagpo.
Sinabi ni Li na isang epektibong mekanismo ang regular na pagtatagpo ng mga punong ministro ng Tsina at Rusya. Nakahanda aniya ang panig Tsino, kasama ng panig Ruso, na buong husay na ihanda ang susunod na pagtatagpo, para pasulungin ang pagtatamo ng bagong progreso sa relasyon at kooperasyon ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Medvedev ang pananabik sa pagdalaw sa Tsina bago ang katapusan ng taong ito at paglahok sa ika-20 regular na pagtatagpo ng mga punong ministro ng dalawang bansa. Umaasa aniya siyang matatamo ng pagtatagpong ito ang positibong bunga.
Salin: Liu Kai