Ipinalabas kahapon, Disyembre 15, 2015, sa Nanning, Rehiyong Autonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi, Tsina ang kauna-unahang RMB Exchange Index sa ASEAN: ang China-ASEAN Monatery Index (CAMI). Ayon sa CAMI, mula ika-19 ng Agosto ng taong 2010 hanggang ngayon, tumaas ang exchange rate ng RMB sa currencies ng mga bansang ASEAN. Ayon pa rin dito, ang digri ng pagtaas ng RMB ay mas marami kaysa pagtaas ng dolyares sa mga currencies ng mga bansang ASEAN.
Ang CAMI ay nagpapakita ng lebel ng pagbabago ng exchange rate ng RMB sa "basket of currencies" ng ASEAN. Ito ay magiging reference para sa direktang pagpapalitan ng pananalapi sa malayang kalakalan ng Tsina at ASEAN. Ang pagpapalabas ng CAMI ay makakabuti rin sa panrehiyong kooperasyon sa pananalapi ng Tsina at ASEAN.
salin:wle