Idinaos kahapon sa Baku, Azerbaijan ang ika-18 Pulong ng mga Ministrong Pinansyal at Puno ng Bangko Sentral ng ASEAN, Tsina, Hapon at Timog Korea(10+3). Tinalakay nila ang kalagayan ng macro economy na panrehiyon at pandaigdig, kooperasyong pinansiyal ng 10+3, at iba pa. Ipinalabas din dito ang "Magkasanib na Pahayag ng Ika-18 Pulong ng mga Ministrong Pinansyal at Puno ng Bangko Sentral ng 10+3".
Ipinalalagay ng mga kalahok, na sa kasalukuyan, bumuti na ang kalagayang pangkabuhayan ng daigdig; pero mabagal pa rin ang pag-ahon, hindi matatag ang basehan, at may mga elemento ng kawalang-katatagan. Nangako ang iba't ibang panig ng 10+3 na patuloy nilang isasagawa ang macro prudential measures, palalakasin ang koordinasyon ng patakaran ng macro economy, at papangalagaan ang katatagan ng panrehiyong kabuhayan at pinansya. Samantala, dapat ibayo pang pabilisin ang reporma ng estruktura, pataasin ang economic tenacity, at galugarin ang potensyal na pang-ekonomiya, para mapasulong ang patuloy at malusog na pag-unlad ng panrehiyong kabuhayan, anila pa.
salin:wle