|
||||||||
|
||
Dalawang mamamahayag mula sa People's Television Network (PTV) Channel 4 ng Pilipinas ang dumalaw kahapon, Miyerkules, Disyembre 16, 2015 sa himpilan ng Serbisyo Filipino ng China Radio International (CRI) sa Beijing.
Sa paanyaya ng CRI at Guangxi TV, nagpunta sa Beijing sina Elenita L. Directo at Elizabeth C. Cachin upang panoorin at bigyan ng coverage ang China-ASEAN Friendship Concert na inorganisa ng naturang dalawang media ng Tsina, kasama ng Administration of Press, Publication, Radio, Film and Television ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi, at mga media ng sampung (10) bansang ASEAN.
Sa panayam sa Serbisyo Filipino, ipinahayag ng dalawang mamamahayag ang kanilang kagalakan sa pagpunta sa Tsina at pagkober sa naturang aktibidad.
Anila, bagamat may-kalamigan ang Beijing, ito'y organisado at napakagandang lunsod na may masasarap na pagkain at mababait na mamamayan.
Sina Elen (kaliwa) at Beth sa istudyo ng CRI Filipino Service, kinapanayam ni Rhio
Sina Elen at Beth, kasama nina Rhio at Jade, miyembro ng CRI Filipino Service
Kasama ang mga media practioner mula sa ibang pang 9 na bansang ASEAN, kinatagpo sila ni Wang Gengnian, Presidente ng CRI. Ipinahayag ni G. Wang na bilang mapagkaibigang magkapitbansa at magkaibigan, humihigpit ang pagpapalitan at pagtutulungan ng mga media ng Tsina at ASEAN. Umaasa aniya siyang, batay sa Belt and Road Initiative na naglalayong pasulungin ang komong kaunlaran, mapapahigpit ang mga kooperasyon sa pagitan ng mga media na Tsino at ASEAN sa reportage, program production, new media communication, at personnel exchanges and training.
Sina CRI President Wang Gengnian (ika-7 sa kanan), CRI Vice President Hu Bangsheng (dulo sa kanan), kasama nina Beth at Elen (ika-3 at ika-4 sa kaliwa) at iba pang mga mamamayahag na ASEAN
Ang 2015 China-ASEAN Friendship Concert na may temang "Our Region, Our Song," ay naglalayong ipakita ang makukulay na kultura ng musika ng Tsina at mga bansang ASEAN, at palakasin ang pagkakaibigan ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa. Kalahok dito ang 10 mang-aawit na Tsino at 10 mang-aawit mula sa mga bansang ASEAN, na kakanta ng kani-kanilang mga katutubong awit. Bilang representative ng Pilipinas, ang 17 taong-gulang na si Aldrich Lloyd Talonding ay kumanta ng awit na "Anak" ni Freddie Aguilar, sa katatapos na konsyerto.
Reporter: Rhio
Text/Photo Editor: Jade
Photographer: Vera/CRI News Center
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |