Sa Kuala Lumpur, Malaysia—Idinaos dito kahapon ang ika-128 Sesyong Plenaryo ng International Olympic Committee. Isiniwalat ng media ng Malaysia na binabalak ng Malaysia at Singapore ang magkasamang pagbibid sa 2028 Summer Olympic Games.
Ayon sa media ng Malaysia, alang-alang sa sariling kakayahan, may intensyon ang Malaysia na magbid, kasama ng Singapore sa naturang Olimpiyada. Tinatalakay ng huli ang posibilidad ng magkasamang pagbibid, at umaasang mararating ng kapuwa panig ang win-win situation.
Salin: Vera