Dumalo nitong Huwebes, Disyembre 18, 2015, si Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina sa pulong na ministeryal ng United Nations Security Council (UNSC) hinggil sa isyu ng Syria. Buong pagkakaisang pinagtibay ng UNSC ang resolution No.2254 hinggil sa paglutas ng isyu ng Syria sa pamamagitan ng pulitikal na paraan, at bumoto ang Tsina ng pag-sang-ayon. Nauna rito, sinabi ni Wang na ang boto ng Tsina ay para sa kapayapaan.
Pagkaraan ng botohan, ipinahayag ni Wang ang mainit na pagtanggap ng Tsina sa nasabing resolusyon. Aniya pa, ang resolusyon ay pinagtibay batay sa komong palagay ng komunidad ng daigdig, at ito ay nagpapakita ng mahalagang papel ng UNSC. Ipinahayag din ni Wang ang pag-asang maiisakatuparan ang resolusyon sa lalong madaling panahon.
Ipinahayag din ni Wang ang paninindigan ng Tsina hinggil sa isyu ng Syria. Aniya, una, dapat igiit ang paglutas ng isyu sa pamamagitan ng pulitikal na paraan; ika-2, dapat igiit ang prinsipyo na sarilinang magpasiya ang mga mamamayan ng Syria ng kinabukasan ng kanilang bansa; at ika-3, dapat gawing pangunahing tsanel ng mediyasyon ang UN.
salin:wle