|
||||||||
|
||
Dumalo nitong Huwebes, Disyembre 18,2015, sa New York si Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina sa Ika-3 Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng International Syria Support Group (ISSG). Iniharap ni Wang ang mga mungkahi ng Tsina sa limang larangan para malutas ang isyu ng Syria. Kabilang sa nasabing mga mungkahi ay pagsisimula ng talastasang pangkapayapaan, pagtigil ng putukan at karahasan, kooperasyon laban sa terorismo, makataong tulong, at rekonstruksyong pangkabuhayan.
salin:wle
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |