Kaugnay ng gagawing pagtatagpo bukas sa Geneva ng mga kinatawan ng Rusya, Amerika, at United Nations, para talakayin ang isyu ng Syria at paglaban sa terorismo, ipinahayag ngayong araw ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang paglaban sa terorismo ay isang mahalagang aspekto ng paglutas sa krisis ng Syria.
Dagdag niya, kinakatigan ng Tsina na sa ilalim ng UN Charter at pandaigdig na batas, isagawa ng komunidad ng daigdig ang operasyon laban sa terorismo, at palakasin ang koordinasyon, para magkakasamang harapin ang hamong dulot ng terorismo.
Isinalaysay din ni Hua, na sa kasalukuyan, ginagawa ang paghahanda para sa ika-3 pulong ng mga ministrong panlabas hinggil sa isyu ng Syria. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng iba't ibang may kinalamang panig, para mapasulong ang pulitikal na paglutas sa naturang isyu.
Salin: Liu Kai