Ayon sa ulat ng Ministri ng Industriya at Kalakalan ng Biyetnam, mula noong Enero hanggang Nobyembre ng tanong ito, umabot sa halos 1.7 bilyong dolyares ang pagluluwas ng mga prutas at gulay ng Biyetnam. Isang buwang mas maagang narating ang nakatakdang target nito at may pag-asang lumampas sa 2 bilyong dolyares ang kabuuang halaga nito para sa taong 2015.
Samantala, mula noong Enero hanggang Oktubre ng 2015, umabot sa 990 milyong dolyares ang pagluluwas ng mga prutas at gulay ng Biyetnam sa Tsina, na lumaki ng halos 269%. Sa kasalukuyan, ang Tsina ang pinakamalaking pamilihan ng pagluluwas ng mga prutas at gulay ng Biyetnam na sinusudan naman ng Hapon at Timog Korea.