Ayon sa pahayagang "Economic Daily," sa kanyang talumpati kamakailan sa Porum hinggil sa Electronic Payment Service ng Biyetnam sa 2015, ipinahayag ni Vu Duc Dam, Pangalawang Punong Ministro ng nasabing bansa, na dapat pabilisin ang pagpapasulong ng electronic payment service para magamit ng mas maraming mamamayan ang elektronikong pagbabayad, at tugunan ang pangangailangan ng bagong yugto ng pag-unlad ng bansa.
Ayon sa estadistika ng Ministri ng Industriya at Kalakalan ng Biyetnam, noong taong 2014, umabot sa halos 3 bilyong dolyares ang halaga ng elektronikong pagbabayad sa bansa, at tinatayang aabot sa 4 bilyong dolyares ang halagang ito sa taong 2015. Ayon sa pagtaya, posibleng umabot sa 7 bilyong dolyares ang halagang ito sa taong 2017.
Ipinahayag ng mga dalubhasa na papasok ang Biyetnam sa panahon ng napakabilis na pag-unlad ng electronic business.
Salin: Li Feng