Ayon sa Ministri ng Agrikultura ng Tsina, sa taong 2015, lumampas sa 10 libong Yuan, RMB ang kita ng bawat magsasakang Tsino. Ang bahagdan ng paglaki nito ay mas mataas kaysa bahagdan ng paglaki ng Kabuuang Halaga ng Produksyong Panloob (GDP) at kita ng mga residente sa mga lunsod at bayan ng bansa, nitong nagdaang anim (6) na taong singkad. Ang balitang ito ay mula sa Xinhua News Agency.
Ayon pa sa nasabing ministri, noong panahon ng Ika-12 Panlimahang-Taong Plano, lumaki ng 9.5% ang bahagdan ng taunang paglaki ng kita ng mga magsasakang Tsino. Sa panahon ng Ika-13 Panlimahang-Taong Plano, kukumpletuhin ng Tsina ang sistemang pampatakaran ng pagkatig sa paglaki ng kita ng mga magsasaka, at palalawakin ang mga bagong tsanel ng pagpapalaki ng kita.
Salin: Li Feng