|
||||||||
|
||
Sa taong 2015, papasulungin ng Tsina ang modernisasyong pang-agrikultura sa pamamagitan ng reporma at inobasyon.
Mababasa ito sa pinakapangunahing dokumento na ipinalabas kahapon ng Pamahalaang Sentral ng bansa na tinaguriang No. 1 Central Document.
Ayon sa dokumentong ito, sa kasalukuyan, ang kabuhayan ng Tsina ay lumilipat na sa one-digit na katamtamang taas na paglaki makaraan ang mahigit sampung taong two-digit na mabilis na pagtaas. Batay sa kalagayang ito, masusi pa ring patatatagin ang puwesto ng agrikultura bilang pundasyon ng pagpapasulong ng kabuhayan ng bansa at pagpapataas ng kita ng mga magsasaka.
Kabilang sa mga hamong pang-agrikultura na nakasaad sa dokumento ay ang lumalaking gastos sa produksyon, kakulangan sa yamang agrikultural, labis na paggamit sa yamang agrikultural at lumalalang polusyon.
Bilang tugon, pabubutihin ng Tsina ang pamamaraan ng pagpapaunlad ng agrikultura, pagpapabuti ng patakaran at pagpapalakas ng sistemang pambatas na may kinalaman sa isyung pangkanayunan.
Ito ang ika-12 taunang dokumentong ipinalabas ng Tsina na nagtatampok sa agrikultura, kanayunan at mga magsasaka.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |