Ayon sa pahayagang "Economic Daily," tinaya ng Departamento ng Estadistika ng Indonesia na mula noong 2006 hanggang 2016, may pag-asang umabot sa 4 na milyon hanggang 6 na milyon ang karagdagang bilang ng mga bahay-kalakal sa Indonesia. Bunga nito, ang kabuuang bilang ng mga bahay-kalakal sa bansang ito ay aabot sa halos 30 milyon.
Ipinahayag ng puno ng nasabing departamentong Indones na kasalukuyang binabalangkas ang "Ulat hinggil sa Economic Census sa Sampung Taon (2016)." Ito ang ika-4 na katulad na ulat ng bansang ito. Sa unang economic census na isinagawa noong 1986, ang nasabing bilang ay umabot sa 9.3 milyon. Hanggang sa susunod na taon, posibleng lalaki ng 3 beses ang bilang na ito. Bukod dito, ang nakakaraming bahay-kalakal sa mga ito ay may-kinalaman sa industriyang pangkalakalan o panserbisyo.
Salin: Li Feng