Lumagda kahapon ang Industrial and Commercial Bank of China (ICBC) ng kasunduan sa Export-Import Bank ng Indonesia na magkakaloob ng 500 milyong dolyares na pautang para katigan ang konstruksyon ng imprastruktura at pag-unlad ng kabuhayan ng bansang ito.
Ipinahayag ni Xie Feng, Embahador Tsino sa Indonesia, na puno ng kompiyansa ang Tsina sa kinabukasan ng pag-unlad ng kabuhayan ng Indonesia. Nakahanda aniya ang Tsina na pahigpitin ang kooperasyong pangkabuhayan at pinansiyal sa Indonesia at ipagkaloob ang tulong na pondo para sa mga langangan ng bansang ito na gaya ng konstruksyon ng imprastruktura, industriya, at pamumuhay ng mga mamamayan.