Ayon sa China News Service, ipinahayag kamakailan sa Jakarta ni Pangulong Joko Widodo ng Indonesia na ang susunod na taon'y maghahatid ng hamon at pagkakataon sa bansa. Aniya, ang taong 2016 ay magsisilbing turning point ng pagbuti ng pambansang kabuhayan.
Iniutos din niya sa iba't-ibang departamento na isakatuparan ang badyet sa unang dako ng 2016. Ito aniya ay naglalayong panatilihin ang tunguhin ng pag-unlad ng kabuhayan, at makaabot sa 5.3% ang bahagdan ng paglaki ng kabuhayan ng bansa. Tungkol sa pokus ng gawain ng pamahalaan sa hinaharap, bibigyang-pokus ng Pamahalaang Indones ang pagpapabuti sa mga aspektong gaya ng paglaki ng kabuhayan, inflation, pagbibigay-tulong sa mahihirap, paghahanap ng trabaho, pagbabawas ng unemployment rate, at pagpapaliit ng agwat sa pagitan ng mahihirap at mayayaman.
Salin: Li Feng