Sinipi ngayong araw ng mediang Indones ang pananalita ni Agus Martowardojo, Puno ng Bangko Sentral ng Indonesia. Aniya, winiwelkam ng kanyang bangko ang pagsapi ng RMB sa listahan ng pandaigdigang salapi. Aniya pa, ang RMB ay nagsisilbing bahagi ng foreign exchange reserve ng Indonesia.
Ipinahayag din ng manager ng Central Statistics Agency (BPS) for Distribution and Services Statistics ng Indonesia na kung mas malaki ang halaga ng RMB kaysa Indonesian Rupiah, ito ay palatandaang magiging mas mababa ang presyo ng mga panindang iniluluwas ng Indonesia sa Tsina. Kung mas mababa ang presyo, makakabili ang mga mamamayang Tsino ng mas maraming paninda mula sa Indonesia. Ito ay makakatulong sa pagluluwas ng Indonesia, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng