Xiamen, Lalawigang Fujian ng Tsina—Idinaos dito kamakailan ang China-ASEAN Cooperation Forum for Cities with Cruise Industry.
Lumahok sa porum ang mga opisyal ng Pambansang Kawanihan ng Turismo ng Tsina, mga opisyal ng sirkulo ng turismo, transportasyon at dagat ng iba't ibang bansang ASEAN, at mga kinatawan ng mga cruise company. Nagsagawa sila ng pagpapalitan at talakayan hinggil sa magkasamang pagpapaunlad ng cruise industry at "pagkakataon ng pag-unlad ng cruise industry sa 21st Century Maritime Silk Road."
Ipinahayag ng kinatawan ng ASEAN-China Center na mabilis ang pag-unlad ng cruise ship tourism. Aniya, ang pagpapalakas ng kooperasyon at pag-unlad ng mga lunsod ng Tsina at ASEAN sa larangan ng cruise economy ay makakatulong sa pagpapaunlad ng mga lunsod, pagpapasulong ng pagpapalagayan ng mga tauhan, at pagpapahigpit ng pag-uunawan at pagtitiwalaang pangkultura ng kapuwa panig. Makakabuti rin ito sa magkasamang pagtatatag ng magkabilang panig ng 21st Century Maritime Silk Road, aniya pa.
Salin: Vera