|
||||||||
|
||
Binuksan kagabi ang Lancang-Mekong River Arts Festival sa Xishuangbanna, Lalawigang Yunnan ng Tsina.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Luo Hongjiang, Puno ng Dai Autonomous Prefecture of Xishuangbanna na ang mga bansa sa paligid ng Ilog Lancang-Mekong ay may parehong pinag-ugatang mga lahi at kultura. Salamat aniya sa pagsasagawa ng "One Belt One Road Initiative at "Malayang Sonang Pangkalakalan ng Tsina at ASEAN (CAFTA)", tiyak na ibayo pang uunlad ang rehiyon sa paligid ng Ilog Lancang-Mekong.
Nagtanghal ang mga delegasyong pansining ng Tsina, Laos, Myanmar, Thailand, Kambodya at Biyetnam sa seremonya ng pagbubukas. Kabilang sa mga itinanghal ang sayaw na "Champa Flower" ng Laos, "Puppet Show" ng Myanmar, Muay Thai, at "Ao Dai Show" ng Biyetnam.
Sa panahon ng arts festival, idaraos din ang Porum ng Pag-unlad ng Rehiyon sa paligid ng Lancang-Mekong River at iba pang mga aktibidad.
salin:wle
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |