Ginanap sa Beijing ngayong araw ang Pulong Ministeriyal ng Kooperasyong Panseguridad sa Pagpapatupad ng Batas sa Mekong River. Dumalo sa pulong sina Guo Shengkun, Kasangguni ng Konseho ng Estado at Ministro ng Pampublikong Seguridad ng Tsina, at mga namamahalang tauhan ng departamento ng seguridad ng pagpapatupad ng batas ng Laos, Myanmar, Thailand, Cambodia, at Biyetnam.
Sa kanyang talumpati sa pulong, sinabi ni Guo na ang mungkahing "One Belt and One Road" na iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ay natamo ang aktibong reaksyon ng mga bansa sa kahabaan ng "One Belt and One Road" na kinabibilangan ng mga bansa sa Mekong River. Ito aniya ay nakapagbigay ng bagong pagkakataon para sa ibayo pang pagpapalakas ng kooperasyon ng seguridad ng pagpapatupad ng batas sa rehiyon at buong daigdig.
Dagdag pa niya, dapat puspusang pasulungin ang "Diwa ng Mekong River," at dapat ding ibayo pang palalaimin ng naturang mga bansa ang kooperasyon sa mekanismo ng pagpapatupad ng batas, at isagawa ang regular na magkakasanib na pamamatrolya para mabigyang-dagok ang drug crime, cyber crime, at human smuggling. Ito aniya ay naglalayong makalikha ng mas maligtas at matatag na kapaligiran para sa kasaganaan at kaunlaran sa rehiyong ito.
Pinagtibay sa pulong ang "Magkakasanib na Pahayag hinggil sa Pagpapalakas ng Kooperasyon ng Seguridad sa Pagpapatupad ng Batas sa Mekong River."
Salin: Li Feng