|
||||||||
|
||
Beijing--Sa katatapos na pulong sa antas na ministeryal ng mga bansa sa kahabaan ng Mekong River hinggil sa pagtutulungan sa pagpapatupad sa batas at seguridad, inilabas ng mga kalahok ang Magkasanib na Pahayag para mapahigpit ang kanilang may-kinalamang pagtutulungan.
Anang pahayag, batay sa katulad na dokumento na ipinalabas ng Tsina, Laos, Myanmar at Thailand, apat na bansa sa kahabaan ng Mekong, noong 2011, mabunga ang kanilang pagtutulungan sa pagpapatupad sa batas at pangangalaga sa kaligtasan. Kabilang sa nasabing mga bunga ay ilampung magkakasanib na pagpapatrolya sa Mekong River, magkakasamang pagbibigay-dagok sa pagpupuslit ng droga, magkakasamang pagbibigay-dagok sa mga transnasyonal na krimen, pagbabahaginan ng impormasyon, at iba pa.
Ayon sa pahayag, pahihigpitin ng mga may-kinalamang bansa ang kanilang pagtutulungan laban sa terorismo, cyber crime, ilegal na imigrasyon, pagpapauwi ng mga kriminal at iba pa.
Ipinasiya rin ng pahayag na makikilahok sa nasabing mga pagtutulungan ang Kambodya at Biyetnam, bilang tagamasid ng mekanismo ng pagtutulungang panseguridad sa kahabaan ng Mekong River.
Lumahok din sa katatapos na pulong ang mga kinatawan mula sa Australia, Rusya, at Shanghai Cooperation Organization (SCO).
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |