Ipinalabas ngayong araw, Miyerkules, ika-30 ng Disyembre, ng Konseho ng Estado ng Tsina ang ulat hinggil sa pag-iimbestiga sa paglubog ng isang bapor na pampasahero sa Yangtze River, na naganap noong unang araw ng Hunyo ng taong ito.
Ayon sa ulat, ang masamang panahon ay sanhi ng naturang napakagrabeng kalamidad.
Ang bapor, na Dongfangzhixing (Eastern Star) ay lumubog at tumaob sa Ilog Yangtze sa Jianli, lalawigang Hubei, mga alas 9:28 ng gabi noong unang araw ng Hunyo ng taong ito. Sa lahat ng 454 na katao sa bapor, 442 ang nasawi, at 12 iba pa ang nailigtas.
Salin: Liu Kai