Ayon sa pinakahuling datos hanggang alas-10:20 ngayong umaga, dalawa sa 14 na nailigtas na katao sa paglubog ng bapor sa Yangtze River ang nakalabas na ng ospital, samantalang 12 ang ginagamot pa rin sa ospital.
Sa kabilang dako, apatnaraan tatlumpu't apat (434) katao na ang naitalang nasawi, at 8 ang nawawala pa rin.
Hanggang sa kasalukuyan, patuloy ang paghahanap sa mga nawawala. Isinasagawa rin ang pagkilala sa mga nasawi.
Ang bapor, na Dongfangzhixing (Eastern Star) ay lumubog at tumaob sa Ilog Yangtze sa Jianli, lalawigang Hubei, mga alas 9:28 ng gabi noong unang araw ng Hunyo, dahil sa bagyo.
Salin: Jade