Sa isang regular na preskong idinaos sa Beijing Huwebes, Disyembre 31, 2015, ipinahayag ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na mainit na winiwelkam ng panig Tsino ang pagtatatag ng komunidad ng ASEAN.
Sinabi ni Lu na ito ay mahalagang milestone sa konstruksyon ng integrasyon ng ASEAN, at ito rin ang kauna-unahang sub-regional community na naitatag sa Asya. Ito aniya ay sumasagisag na pumasok sa bagong yugto ang lebel ng kooperasyon sa Silangang Asya.
Idinagdag pa niya na lipos ang kompiyansa ng panig Tsino sa pag-unlad ng ASEAN sa hinaharap, at inaasahan ng Tsina na matatamo ng komunidad ng ASEAN ang mas malaking tagumpay.
Salin: Li Feng