Sa kanyang Mensaheng Pambagong Taon, ipinahayag ni Kim Jong-un, Kataas-taasang Lider ng Hilagang Korea na sa 2016, magsisikap ng kanyang bansa para magsagawa ng diyalogo sa pagitan ng H. at T. Korea at mapasuolong ang relasyon ng dalawang panig.
Bilang tugon, ipinahayag naman ng naghaharing partido at partido oposisyon ng Timog Korea ang mainit na pagtanggap sa nasabing pahayag ni Kim. Umaasa rin silang matutupad ni Kim ang nasabing pangako.
Noong ika-25 ng Agosto, 2015, nagdaos ng talastasan sa mataas na antas ang T. at H. Korea. Sa pulong, narating ng dawalang panig ang kasunduan na may kinalaman sa pagpapabuti ng bilateral na relasyon, pagdaraos ng talastasang pampamahalaan sa lalong madaling panahon at pagsasagawa ng pagpapalitang di-pampamahalaan sa iba't ibang larangan.
Tagapagsalin: Jade