Muling hiniling kahapon ng Ministring Panlabas ng Hilagang Korea sa Estados Unidos na marating ang Kasunduang Pangkapayapan para palitan ang 62 taong Kasunduan ng Tigil-Putukan at totoong maisakatuparan ang kapayapan ng Korean Peninsula. Inaasahan ng Hilagang Korea na positibong tumagon sa kahilingan nito ang panig Amerikano.
Ayon sa Hilagang Korea, mahigit 60 taon na ang nakaraan sapul nang lagdaan ng Hilaga at Timog Korea ang Kasunduan ng Tigil-Putukan noong ika-27 ng Hulyo, 1953 makaraang matapos ang Korean War na nagsimula noong ika-25 ng Hunyo, 1950, pero, hindi masasabing naisakatuparan ang kapayapaan ng Korean Peninsula dahil ang iba't ibang pagsasanay-militar ng Timog Korea at Amerika sa paligid ng Peninsula ay nagdudulot ng posibilidad ng pagganap ng mapanganib na pangyayari.
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Mac