Kaugnay ng pagtutol ng Biyetnam sa test flight sa bagong tayo na paliparan sa Yongshu Reef ng Nansha Islands, ipinahayag kahapon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang Tsina ay mayroong di-mapabubulaanang soberanya sa Nansha Islands at mga karagatan sa paligid nito, at ang nabanggit na bagay ay nabibilang sa suliraning panloob nito.
Dagdag pa niya, hindi natanggap ng Tsina ang di-umano'y na tahasang papuna ng Biyetnam.
Ipinahayag naman ni Hua na umaasa siyang gagamitin ng Biyetnam ang mga aktuwal na aksyon para pasulungin ang sustenable at malusog na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.