|
||||||||
|
||
Ayon sa Xinhua News Agency, isinalaysay Huwebes, Disyembre 31, 2015, ni Tagapagsalita Yang Yujun ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na opisyal na naisaoperasyon nang araw ring iyon ang direktang linya ng telepono sa pagitan ng mga Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina at Biyetnam, Tsina at Timog Korea. Magkahiwalay na nakipag-usap sa telepono si Chang Wanquan, Kasangguni ng Estado ng Tsina, at Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina, sa kanyang counterpart na sina Phung Quang Thanh mula sa Biyetnam, at Han Min-koo mula sa Timog Korea.
Sa kanyang magkahiwalay na pakikipag-usap kina Phung Quang Thanh at Han Min-koo, sa ngalan ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, nagpahayag si Chang ng pagbati sa opisyal na pagsasaoperasyon ng naturang direktang linya ng telepono. Bumati rin siya ng manigong bagong taon sa naturang dalawang lider at mga mamamayang Biyetnames at Timog Koreano. Nagpahayag din sina Phung Quang Thanh at Han Min-koo ng pagbati tungkol dito.
Sa kanyang pakikipag-usap kay Phung Quang Thanh, sinabi ni Chang na ang pagpapalakas ng pagkakaisa at pagpapalalim ng kooperasyon ng dalawang bansa at hukbo, ay angkop sa komong kapakanan ng dalawang panig.
Lubos namang pinapurihan ni Phung Quang Thanh ang natamong positibong bunga ng relasyon ng mga hukbong Biyetnames at Tsino. Ipinahayag din niya ang kahandaang magsikap ang Biyetnam kasama ng Tsina, para mapasulong ang walang humpay na pagtatamo ng relasyon ng dalawang hukbo ng progresong substansiyal.
Sa kanya namang pakikipag-usap kay Han Min-koo, sinabi ni Chang na nitong ilang taong nakalipas, komprehensibong umuunlad ang relasyon ng Tsina at Timog Korea sa iba't-ibang larangan, at walang humpay na lumalalim ang kanilang bilateral na kooperasyon. Nakahanda aniya ang panig Tsino na patuloy na palakasin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang hukbo, at pasulungin ang sustenableng pag-unlad ng relasyon ng dalawang hukbo para magkasamang mapangalagaan ang kapayapaan, katatagan, at kasaganaan ng rehiyong ito.
Ipinahayag naman ni Han Min-koo ang kahandaang samantalahin ang pagsasaoperasyon ng direktang linya ng telepono ng dalawang bansa, at patuloy na palakasin ang pagkokoordinahan nila ng Tsina, para magkasamang mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa rehiyong ito.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |