Pagkaraan ng ilang buwang imbestigasyon, sinampahan ng kaso kahapon, January 3, 2016, sa hukumang Israeli ang dalawang ekstrimistang Hudyo, dahil sa kaso ng pagsunog.
Noong ika-31 ng Hulyo, 2015 naganap ang pagsunog sa Duma, kanayunan sa kanlurang pampang ng Ilog Jordan. Tatlo sa apat na miyembro ng isang pamilyang Patestino ang namatay, at isa pa ang nasugatan.
Ayon sa ulat, naapektuhan ng nasabing kaso ang kalagayang panseguridad sa pagitan ng Israel at Palestina. Sapul noong Oktubre, walang tigil na naganap ang ilang marahas na sagupaan sa pagitan ng dalawang panig. Mahigit 145 ang naitalang namatay na sa sagupaan.