Ayon sa Xinhua News Agency, sa magkasamang pagharap ng dalawang Ministrong Panlabas na sina Wang Yi ng Tsina at Philip Hammond ng Britanya, sa mga mamamahayag, ipinahayag ng una na ibayo pang palalalimin ng dalawang bansa ang pagpapalitan ng kanilang mga mamamayan.
Ipinatalastas ng Britanya na mula kasalukuyang taon, bibigyan ng visitor visa na may bisang dalawang taon, ang mga mamamayang Tsino. Tungkol dito, nakahanda ang Tsina na bigyan din ng katulad na bisa ang mga mamamayang Britaniko. Ito ay isang magandang balita para sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng