|
||||||||
|
||
Ipinahayag ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina na sa okasyon na pinaggugunita ng buong mundo ang ika-70 anibersaryo ng pagtatapos ng World War II, at sa okasyon na nagsasagawa si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng dalaw-pang-estado sa Britanya, napapanahong maging mabuting magkapartner ang Tsina at Britanya para magkasamang makapag-ambag sa pagtatatag ng bagong pandaigdig na relasyon.
Kasama rin si Wang sa biyahe sa Britanya ni Pangulong Xi.
Ipinagdiinan ni Wang na napatunayan ng kasaysayan na ang hegemonya ay hindi pangkaunlaran para sa sangkatauhan. Dagdag pa niyang ang mapayapang pag-unlad at pagtutulungang nagtatampok sa win-win situation ay siyang tanging landas na dapat tahakin ng sangkatauhan.
Kaugnay ng bagong pandaigdig na relasyon, sinipi ni Wang ang mga ideya na iniharap ni Pangulong Xi na kinabibilangan ng pagkakapantay-pantay, paggagalang sa pagkakaiba, pagbubukas, pangangalaga sa kapaligiran, magkakasamang pagtatatag at magkakasamang pagbabaganinan ng bungang pangkaunlaran ng iba't ibang miyembro ng komunidad ng daigdig.
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |