|
||||||||
|
||
Bumisita kahapon ng umaga (local time) si Peng Liyuan, Unang Ginang ng Tsina, sa Royal College of Music (RCM).
Pagdating sa RMC, maringal siyang sinalubong nina Robert Winston, Presidente ng Board of Directors ng RCM, puno ng adademya, at mga mapagkaibigang personaheng Britaniko.
Kasama ng puno ng akademya, pinanood ni Peng ang palabas ng mga mag-aaral, at bumisita rin siya sa museum ng mga instrumento.
Binisita ni Peng ang mga creation manuscript ng mga music masters na gaya nina Wolfgang Amadeus Mozart at F.F.Chopin
Isinagawa ni Peng ang pakikipagpalitan sa mga guro at estudyante ng RCM
Pinanood ni Peng ang palabas ng mga mag-aaral
Bukod dito, sa library ng RCM, binisita rin ni Peng ang mga creation manuscript ng mga music masters na gaya nina Wolfgang Amadeus Mozart at F.F.Chopin. Isinagawa rin niya ang pakikipagpalitan sa mga guro at estudyante ng akademyang ito.
Si Peng Liyuan mismo ay isang bantog na mang-aawit at State First-Class Singer sa Tsina. Sa mga regalong ibinigay ni Pangulong Xi kay Queen Elizabeth II ng Britanya sa Buckingham Palace, kabilang ang album ni Peng Liyuan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |