MAGANDA ang rating na natanggap ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa "Ulat ng Bayan" survey ng Pulse Asia noong nakalipas na Disyembre. Tumaas pa ang approval ratings ng pangulo. Ginawa ang survey mula ika-apat hanggang ika-11 ng Disyembre at kinakitaan ng pagtaas ng +1 mula sa +50 noong Setyembre at tumaas ng apat na puntos mula sa +49 noong Setyembre 2015.
Lumabas na ang pangulo pa rin ang higit na pinagtitiwalaang opisyal ng pamahalaan sa pinakamataas na rating.
Ayon kay Communications Secretary Herminio "Sonny" Coloma, Jr., ipagpapatuloy ni Pangulong Aquino ang paglilingkod kasabay ng pagpapatupad ng mga nalalabing palatuntunan sa susunod na anim na buwan ng kanyang panunungkulan.
Pangalawa naman si Vice President Jejomar Binay na nagtamo ng +52 at si Senate President Frank Drilon ang nagtamo ng +51.
Si Pangulong Aquino lamang ang nagkaroon ng rating na +53. Ginawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews at nagkaroon ng 1,800 respondents na pawang registered voters. Mayroon itong +/- 2% na error margin at nagtataglay ng 95% confidence level.