Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mountaineers, nabimbin sa bibig ng bulkang Pinatubo

(GMT+08:00) 2015-12-28 19:05:41       CRI

MAY 27 mountaineers ang nasa bibig ng bulkang Pinatubo. Ito ang nabatid sa Regional Civil Defense Office sa Gitnang Luzon. Humiling ang mga mountaineer ng rescue operation.

Ayon kay Nigel Lontoc, assistant director ng Office of Civil Defense sa Central Luzon, na nasa bibig na ng bulkan ang mountaineers mula pa noong Sabado.

Tumawag umano ang grupo sa National Disaster Risk Reduction and Management Council sa Maynila kanina upang humingi ng tulong at nagkaroon ng koordinasyon ang tanggapan sa Kampo Aguinaldo at tanggapan sa Central Luzon.

Nagkahiwalay umano ang ibang grupo at may naubusan ng battery sa cellphone at handheld radio kaya't nawalan ng contact sa isa't isa. Nagdulot din ito ng ibayong pangamba.

Idinagdag pa ni Lontoc na may tatlo mula sa 27 ang bahagyang nasugatan, Nauubos na rin ang kanilang pagkain at kagamitan.

Isang helicopter ang umalis sa Basa Air Base sa Floridablance, Pampanga kaninang ikasampu't kalahati ng umaga upang iligtas ang mountaineers. Magatatagal ng isang oras bago makarating sa viewdeck.

Hindi makakaya ng helicopter na maisakay ang 27 sa isang biyahe kaya;t magbabalikan. Ang mga emergency cases lamang ang maisasakay sa helicopter samantalang maisasakay naman ang iba sa mga sasakyang makararating malapit sa paanan ng bulkan.

Ang mga mountaineer na nakarating sa viewdeck ay dumaan sa Porac, Pampanga at hindi humingi ng pahintulot sa local tourism office na Tarlac o Pampanga.

Hindi rin dumaan sa Porac o sa Capas Tourism Office kaya't hindi nabigyan ng tour guide.

Idinagdag pa rin ni G. Lontoc na maayos naman ang panahon sa mga lalawigan ng Tarlac at Pampanga.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>