Ayon sa pahayagang "Myanmar Golden Phoenix," upang mapataas ang episensiya ng pakikipagkalakalan ng Myanmar sa India, pinaplano ng Pamahalaan ng Myanmar na baguhin ang porma ng kalakalan ng dalawang bansa sa transportasyong pandagat mula porma ng kalakalang panghanggahan. Isasagawa rin ang porma ng pagbabayad ng Asian Clearing Union (ACU) para maging balanse.
Sa kasalukuyang kalakalan ng Myanmar at India, dahil masalimuot ang porma ng pagbabayad, madalas na tumatagal ang oras ng kalakalan. Ang pagbabagong ito ay makakatulong sa pag-unlad ng kalakalan ng naturang dalawang bansa.
Salin: Li Feng