Ayon sa ulat ng China News Service, nagtapos ngayong araw, Lunes, Disyembre 21, 2015, ang Ika-15 Myanmar-China Border Trade Fair sa Ruili, lalawigang Yunnan ng Tsina. Ipino-promote ng mga kalahok na negosyante ang kani-kanilang mga proyekto at paninda.
Ayon sa ulat, 47 bahay-kalakal ng Myanmar ang lumahok sa nasabing perya. Sila ay sumasaklaw sa maraming larangang gaya ng produktong agrikultural, medisina, at produksyong patubig.
Sa panahon ng perya, malalimang tinalakay ng mga kinatawan ng dalawang panig ang tungkol sa mga isyung kinabibilangan ng pag-uugnay ng mga paninda, katangian ng mga industriya, kaginhawa ng pagpasok-labas sa hanggahan, transportasyon, at iba pa.
Gaganapin ang susunod na perya sa Myanmar.
Salin: Li Feng