Ayon sa pahayag na inilabas ngayong araw, Lunes, ika-11 ng Enero 2016 ng Timog Korea, mula Martes, ibayo pa nitong lilimitahan ang bilang ng mga mamamayan nitong pumapasok at lumalabas sa Kaesong Industrial Park.
Ito ay nangangahulugang isasaayos ng mga bahay-kalakal ng Timog Korea ang pagpasok-labas ng kani-kanilang mga tauhan sa naturang parke, ayon sa prinsipyong "pinakamababang pangangailangan."
Ipinahayag ng panig Timog Koreano na pagkaraang muling simulan ng bansa ang paggamit ng propaganda loudspeakers laban sa Hilagang Korea, posibleng lumala ang maigting nang kalagayan sa purok-hanggahan ng dalawang bansa. Anito, ang limitasyon sa bilang ng mga tauhang papasok at lalabas sa parke ay para ibayo pang pangalagaan ang kaligtasan ng mga mamamayang Timog Koreano.
Salin: Vera